Tuesday, August 31, 2010

Kung ako ay magiging presidente ng Pilipinas

Siguradong sisikat ako nang todong-todo. Instant celebrity, ‘ika nga. Biruin mo naman, labing-anim na taong gulang pa lang, e presidente na ng isang bansa. Big time!

Magkakandarapa ang mga media-men para ma-interview ako. Makikita at maririnig ako sa sandamakmak na tv at radio stations, hindi lang sa Pilipinas, kundi, sa buong mundo. Natural tatanungin ako kung anu-ano ang mga plano ko para sa ating bayan.

At dahil diyan, eto ang “speech” ko:

“Magandang araw po sa inyong lahat!

Ako po ay nasa inyong harapan ngayon bilang inyong mababang tagapaglingkod. Maraming maraming salamat po sa inyong pagmamahal at suporta na siyang dahilan kung bakit ako ay nasa kinauupuan ko ngayon.

Mga kababayan, matagal na po nating nilalabanan ang hamon ng pag-unlad at hanggang ngayon po ay hindi pa rin natin naaabot ang tagumpay. Nagsimula tayong nakakalamang sa karamihan sa ating mga karatig-bansa sa Timog-Silangang Asya, ngunit ngayon, tayo ay naiiwan na. Gagawan natin ito ng paraan. Magtulungan tayong lahat para sa ating ika-uunlad. Naniniwala akong ang tagumpay ay ating makakamtan kung ang ating solusyon ay may magandang simula.

Atin po munang bigyang pansin ang ating malaking populasyon. Maraming nagsasabi na ito ay nakapagbigay lamang ng malaking problema para sa atin. Iba po ang aking paniniwala. Imbes na malaking problema, ito po ang ating pinakamahalagang ‘asset’.

Edukasyon po ang solusyon ko, dahil ako’y naniniwala na ang ugat sa lahat ng problema natin ngayon ay ang kakulangan sa tamang edukasyon. Paglalaanan natin ng sapat na ‘budget’ ang edukasyon. Magpapatupad tayo ng mga programa na makakatulong sa ating mga kabataan, lalong-lalo na para sa mga ‘out-of-school youth’. Kailangan nating imulat ang ating mga mata sa kahalagahan ng mabuting edukasyon. Sa pamamagitan ng edukasyon, mas magiging produktibo ang ating bansa. Lalawak ang kaalaman ng mga tao. Hindi na tayo basta-bastang tatanggap na lamang ng kung anong nakalatag sa ating harapan. Makapag-iisip na tayo ng kritikal at matututo tayong kumwestyon sa kung ano nga ba ang mas nakabubuti sa nakararami. Higit sa lahat, magkakaroon tayo ng tamang ‘vision’ na siyang magiging gabay upang makamit ang magandang kinabukasan.

Kung may sapat na edukasyon, mapapaunlad natin ang kakayanan ng ating ‘labor force’ at ang mga mamamayan ay madaling makakahanap at mabibigyan ng trabaho. Gaganda ang kalidad ng mga serbisyo at produkto na ating maibibigay at magkakaroon na rin tayo ng sapat para sa pangangailangan ng ating mga kababayan.

Marami po sa ating mga kababayan ay nagsisipag-alisan sa bansa dahil nakikita nilang mas marami ang kanilang oportunidad sa pag-unlad doon. Hindi naman ako tutol dito. Natutuwa nga ako sa ating mga dakilang OFWs sa kanilang pagsisikap sa ibang bansa, sa kabila ng labis na pangungulila sa kanilang mga mahal sa buhay. Hindi lamang sila nakakatulong sa kani-kanilang mga pamilya, pati na rin sa ating bayang minamahal.

Ngunit hindi ko po pababayaang mananatiling ganito ang sitwasyon natin sa habang panahon. Lalong hindi ko hahayaang mawawalan tayo ng mahusay na manggagawa dito sa ating bansa. Bakit hindi natin kayang maging ‘labor importer’ sa halip ng pagiging ‘labor exporter?’

Makikipag-ugnayan po tayo sa mga organisasyon at mga bansang handang makipagtulungan sa atin. May isang kasabihan nga sa Ingles na ‘No man is an island.’ Ito rin po ay totoo para sa kahit anumang bansa. Hindi tayo lalago bilang isang bayan kung tayo-tayo lang. Kailangan natin ang tulong at maayos na pakikisalamuha sa ibang mga bansa.

Makakatulong sa ating bayan ang maraming ‘foreign investors.’ Pagbutihin po natin ang mga programang makaka-akit sa mga negosyante gaya ng ‘tax incentives.’ Kapag marami po tayong ‘investors’ dadami ang mga negosyo at proyekto sa bansa. Kapag dadami ang negosyo at proyekto sa bansa, mangangailangan ng maraming trabahante upang kunin ang kanilang serbisyo. Samakatuwid, dadami na ang trabahong maaari nating maibigay sa ating mga kababayan dito mismo sa ating bansa at tiyak na hindi na kailangang mag-‘abroad’ pa ang karamihan sa ating mga kababayan.

Sa edukasyon nagsisimula ang lahat. Ngunit hindi po ito magtatapos dito. Kailangan din nating sugpuin ang korupsyon na siyang naging malaking sagabal sa ating pag-unlad. Hindi natin makakamtan ang pag-unlad kung ang pera para sa mga mahalagang proyekto at pupunta sa bulsa ng mga kurakot na opisyal. Ibalik natin ang sinseridad at integridad sa ating serbisyo sa pamahalaan.

Kailangan din nating isulong ang kapayapaan sa ating bansa. Hindi nga tayo nakikipag-away sa ibang mga bansa, ngunit nakakabahala ang gulo dito mismo sa loob ng sarili nating bayan. Ating bibigyang lunas ang nakakabagabag na sitwasyon sa Mindanao. Babalik tayo sa ‘negotiating table’ upang pag-usapan muli ang kapayapaan. Bubuo ako muli ng ‘peace panels’ upang masimulan kaagad ang usaping pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at mga rebeldeng NPA at Muslim. Hindi tayo susuko hangga’t hindi natin makamit ang kapayapaang matagal nang inaasam-asam ng mga kababayan natin sa mga apektadong lugar.

Ang kapayapaan ay isang susi sa kaunlaran. Kapag mailunsad natin ang isang mapayapang Pilipinas, mawawala na ang takot at pangamba sa puso ng mga tao, hindi lamang sa loob ng bansa, pati na rin sa ‘abroad.’ Nangangahulugan ito ng pagsulong ng ating ekonomiya sapagkat dadami na ang magiging komportableng mag-‘invest’ sa loob ng bansa. Magiging kampante na ang mga negosyante sa loob at labas ng bansa na magtayo ng kanilang negosyo sa mga lugar na dati ay kahit pagpunta lamang dito ay walang makapangahas. Kung maraming negosyo, maraming trabaho, at gaganda na ang katayuan ng Pilipinas.

Sa disiplina nagsisimula ang kapayapaan. Disiplina hindi lamang sa ating pamahalaan, kundi sa ating lahat, lalong-lalo sa ating hukbong militar. Ang ating mga kawal ang siyang tagapangalaga ng kaayusan at katiwasayan sa bansa, ngunit nakakalunos isipin na mayroong iba na sila pa ang dahilan sa gulo. Kamakailan nga lamang ay naging sangkot ang isa nating ex-pulis sa isang nakakapangilabot na insidente. Dagdag pa sa ginawa niyang kaguluhan ay ang pagiging palpak ng ating pagresponde sa problema.

Atin ngayong pinangangambahan ang negatibong epekto nito sa relasyon natin sa Hongkong at pati na rin sa turismo ng buong bansa. Malaking tulong sa atin ang turismo. Maraming mga tao ang dumadayo sa Pilipinas hindi para mangalakal, ngunit para mag-relax at mag-enjoy. Marami na tayong mga ‘tourist spots’ kagaya ng ‘Underground River’ sa Palawan na sikat na sikat sa ibang bansa. Marami pa tayong maaaring maipakita kung maisaayos lamang natin itong mga lugar na ito na nagtataglay ng likas na kagandahan.

Dapat din nating bigyang pansin ang agrikultura. Pangarap ko pong maitigil na natin ang pag-angkat ng bigas sa ibang bansa, at sa halip ay tayo na ang mag-‘export’ ng bigas. Marami na tayong programang nailunsad upang mapalago ang agrikultura sa buong bansa. Ngunit ito’y humantong sa pangungurakot kagaya ng ‘fertilizer scam.’ Dapat mananagot ang may kasalanan upang maisulong natin ang pag-unlad.

Naniniwala po akong maayos na ang ating mga batas at panuntunan. Ang problema ay hindi natin nasusunod at naisasakatuparan ang mga ito. Dahil sa baluktot na sistema ng pamumuhay, nagkakaroon ng korupsyon at rebelyon sa bansa. Kailangan nating ayusin ang ating sistema.

Ang Pilipinas po ay iisang bayan natin. Huwag po nating hayaang ito’y magtiis sa labis na kahirapan at kaguluhan. Magtutulungan at makibaka po tayong lahat. Sa tulong po ng Dios, aahon din tayo sa kahirapan. Aasahan ko po ang inyong suporta. Simulan na natin ang tunay na pagbabago.

Maraming salamat po.”

O ‘di ba, parang SONA lang? Maikli nga lang masyado.

Pagkatapos ng “interview” ay babalik na ako sa Malacañang at magmumuni-muni ng mas mainam kung paano ko matutupad ng mahusay ang aking mga pinagsasabi sa aking maikling SONA.

Mahirap nga naman talaga ang trabahong ito. Kung pagiging lider nga ng ‘team’ para sa isang “class project” nakakabalisa na, e paano pa kaya kung isang bayang may higit siyamnapung milyong katao na ang pinamumunuan mo? At hindi lang iisa ang “project”na gagawin mo kundi libu-libo!

Dagdag pa sa problema ang mga kalaban sa gobyerno. Syempre dahil ako na ang pinakamakapangyarihang tao sa bansa, siguradong may gustong patalsikin ako sa pwesto. At maaaring mabuti o hindi ang hangarin nila.

Kaya nga nagtakda na ako ng sangkatutak na PSGs para sa kapakanan ko at ng pamilya ko. Hindi naman pwedeng sa bansa ko na ilalaan lahat ng oras at pag-aaruga ko. Tao din lamang ako, at lahat ng tao ay hindi maipagkakailang mas iniisip ang kanyang sariling kapakanan. Sa kadahilanang ito nagmumula ang korupsyon.

Ewan ko nga rin, kung kaya ko nga bang maiwasan ang tuksong ito. Syempre, ang dami-dami ko nang hinahawakang pera at ari-arian. Pwede ko nang bilhin lahat ng sapatos, damit at “barbie dolls” na inaasam-asam ko. Pwede na rin akong mag-bakasyon sa iba-ibang lugar linggo-linggo.

Pero, dahil sanay na ako sa kahirapan, kakayanin kong iwasan ‘yun. (Siguro pwede rin namang maging marangya, pero hindi na lang lahat ng mga pangarap ko ‘yung bibilhin ko at hindi na lang rin linggo-linggo ako mag-a-outing…siguro buwan-buwan na lang xP)

Naniniwala akong mahirap ngang talikuran ang baluktot nang pamamaraan ng gobyerno ngunit maaari pa itong magbago. Kung magiging tapat lamang akong talaga sa tungkuling sinumpaan ko sa pagiging “Ate” ng bayan (ayoko kasing tawaging “Ina”) – hindi sa pagiging “Prinsesa” ng bayan at susunod sa daang matwid, hindi ako lalayo sa aking binitiwang mga salita sa pagpapaunlad at pagsasaayos ng Pilipinas.

Sana nga.

Siguro nga aabutin pa tayo ng maraming-maraming taon para malampasan o kahit mapantayan lamang ang ating mga karatig-bansa, ngunit hindi naman ‘yun ang dapat nating pagtuunan ng pansin. Kahit kaunting pagbabago ay makapagdulot na ng mabuti sa atin. Kahit paliitin lang natin ang napakalaking agwat ng mayayaman at mahihirap sa bansa, kahit maisaayos lang natin ang sistema ng pulisya, naniniwala akong malalaking tulong na ang mga ito.

May pag-asa pa. ‘Yun ang dapat nating tandaan. Ngunit ‘wag naman sana nating hayaang ang gobyerno lamang ang kumilos para sa atin. Walang mangyayari kung ganoon. Dapat sa ating sarili mismo magsimula ang lahat.

Nawa’y patnubayan tayong lahat ng Maykapal.


bilang ng mga salita: higit isang libo at animnapu

Wednesday, August 4, 2010

STORIES

For the people of Infanta, Quezon, the month of May is devoted to the Blessed Virgin. Mayohan is what they call this tradition. A month-long series of novenas is instigated and a pasayaw marks the end of the festivity. Several happenings revolve around the seemingly religious and spiritual event.

I took notice of 7 C’s while watching the movie.

Cellphone. Lilibeth (Lovi Poe) is told by her friends a cellphone would be useful in time. And then she spends other people’s money to buy one. Niño (Elijah Castillo), the city kid who visits his parents’ hometown, softly exclaims when he discovers he left his cellphone back home. His uncle Ruben (Ping Medina) says he won’t let Niño borrow his phone. Well, how can he be able to text his “girlfriendS”? The cellphone is considered as such a necessity that the present-day human being is expected to be totally at a loss without this invention. Technology nowadays is too convenient it’s scary. Everything happens in an instant there’s no assurance it won’t be gone in an instant. For example: cellphone -> textmate -> blind date -> instant lover -> instant baby -> instant break up -> back to zero.

Chismis. It is said Filipino culture is rich with superstitions about anything and everything. Being naturally superstitious, we Filipinos tend to make and believe certain rumors that we encounter. We are fond of making stories about the lives of other people, whether these stories are true or not. Chismis or gossip is a recreation and entertainment to the common folk, but a despicable enemy to the rich and powerful. The most common victims of chismis are the politicians. The mayor in the movie supposedly chose not-so-pretty girls to dance with during the pasayaw to avoid chismis. Chismis is so powerful it can ruin people’s lives. The sad thing is not all chismis is true and it can tarnish the reputation of a good person.

Conference. Regularly attending events during religious feasts doesn’t always mean the person is religious. Youngsters may have other agenda when going to novenas, as an illustration. Niño is more engrossed in staring at Lilibeth during the padasal than in praying to the Virgin Mary. Aida, a friend of Lilibeth, concentrates on getting Niño’s attention while the elders are reciting the prayers. The padasal as shown in the movie is I could say more of a simple conference, just a gathering of people for various reasons. It is used for socializing, rather than for meditating. Another gathering that has been exploited was the pasayaw. Men eager to satisfy their emotional and physical desires and women trying their luck at “love” all take part in the corruption of the devoutness of the event. A riot occurs in the middle of nowhere, giving an end to the pasayaw. Afterwards, Ruben meets with his “girlfriend” and does “things” with her (it was revealed at a latter part of the movie). The true spirit of the tradition is lost.

Chastity. The traditional Filipina is expected to still be in a virginal state before marriage. The ideals of Roman Catholicism dominate the way most Filipinos think and act. In the movie, “devirginized” ladies take part in a celebration for the Blessed Virgin. How ironic. Lilibeth seems sweet, pure, and unexperienced. Then she smokes, and says her ex-boyfriend brought her to his house that time when she was so drunk. The untainted image is ruined. Rural surroundings tend to give an impression of lack of sexual desires and activities, but the movie shows otherwise. The thing is premarital sex is slowly being accepted by people. I believe this to be the reason why the government is trying to include sex education in the curriculum. Since kids nowadays are very passionate in discovering and doing things, at least they’ll be aware of the consequences and will hopefully be able to prevent the unexpected. I remember being told that people situated in the rural areas are the most enthusiastic when it comes to these things. Most of them are poorly informed, making them want to see it for themselves. We had several “probinsyana” house helpers before. They say that normally after highschool, since there are no colleges and not enough funds, people get married and have kids. More often than not, it occurs the other way around.

Children. Teenage pregnancy is no more of a big-deal. It is not unusual for young women to walk down the aisle with a bulging belly. Lilibeth lives with her grandmother who earns as a seamstress. One time she sees her grandmother doing finishing touches on a wedding gown. Learning that the owner of the gown is younger than her, Lilibeth presumes this wedding is caused by an unexpected pregnancy. I read somewhere that in the Philippines the average age for both men and women to involve in sex is 18 years and about 15% of women aged 15 to 24 engage in premarital sex. I know several close relatives and relatives of close friends of mine who got married to compensate for the wedlock. Some become single moms, taking refuge from their own moms. Commonly shown in movies is a situation where the single mother takes off from her town and leaves the baby behind in the care of some random neighbor or and more usually with the baby’s grandmother. This is Lilibeth’s situation. She is the love-child of her mother and the current mayor of the city, but she is not properly supported financially by her wealthy father who has his own family to take care of. With this she determines to leave for the city to find her mother who can’t possibly recognize her and who she never laid eyes upon before. Though it was shown in the movie that her primary reason for wanting to leave the province is to find her mother, I believe there’s also this want for a change/ escape/ improvement in her life. There’s this idea that life is better in the city, though this rarely becomes true.

Corruption. It is present everywhere, even in the smallest form of community. Lilibeth, in charge of the collection of donations being the presidenta of the pasayaw committee, buys a cellphone using money from the collection. Maybe corruption has already been absorbed in the Filipino culture seeing now we are the fourth most corrupt country in Asia, and for some years now we were always one of the best competitors in the field.

Choice. In a democratic country like the Philippines, we have the freedom to choose our leaders. The problem is that the citizens are badly or not even informed. Customarily we choose the people with names that ring a bell in our ears. Like right now our newly elected president is Noynoy Aquino, the son of two supposed to be liberators of the Filipino people. I’m hoping he would really live up to the expectations of the people of the Philippines. Influential parents or relatives are a key to authority. Niño asks Lilibeth one time if she became the presidenta of the pasayaw through her parents’ influential capabilities. He shares that the president of his class is useless and stupid but is given the position since his parents have a good relationship with the teachers. Though we are free to choose, the easily identified choices are too limited that we end up picking the more familiar.

These concerns are not only applicable in Infanta, Quezon, but to the country as a whole.

Every happening has an unseen side to it. A comedy movie doesn’t always mean it is all laughs. Horror movies may have other aspects than just “horror” incorporated in them. Love stories aren’t there to just make us smile, cry, and fall in love. We have to be able to look at all the angles in order to fully understand what is going on.

Mayohan doesn’t only dwell upon the blossoming love story between a 19-year old provincial lass and a younger city boy. It was a collection of stories; stories affecting each of the other in ways we can’t really expect. And that’s exactly the way everything goes.

"Each affects the other, and the other affects the next, and the world is full of stories, but the stories are all one."
-Mitch Albom; The Five People You Meet in Heaven


word count: about 1300 words